-- Advertisements --
Surfing la union Sea games

LA UNION – Malaki umano ang pagkakataon para sa mga Filipino surfers na makamit ang gintong medalya sa nalalapit na surfing competition ng SEA Games sa bayan ng San Juan, La Union.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Ian Saguan, coach ng Philippine team, sinabi nito na bentahe ng Filipino surfers ang palaro dahil dito sa ating bansa magaganap ang kompetisyon.

Halos dalawang buwan aniya na puspusan ang ginagawa nilang pagsasanay hanggang sa sumapit ang paligsahan.

Malaking tulong din ang nakaraan na sinalihan nilang surfing competition na naganap sa bansa bago ang SEA Games.

Ang Team Pilipinas na sasabak sa nasabing paligsahan ay binubuo ng pitong surfers kung saan tatlo rito ay taga-La Union at apat naman ang mula sa Siargao.