-- Advertisements --

VIGAN CITY – Sinamantala ni Filipino Taekwondo jin Kurt Barbosa ang pagkakataon sa last remaining five-seconds sa kaniyang laban sa men’s-58-kg semifinals division upang maipanalo ang Asian Taekwondo Olympic Qualification Tournament sa Amman, Jordan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Barbosa, nakita niyang pagod na ang kaniyang kalaban na si Zaid Al-Halawani na hometown bet at hindi na makadepensa kaya sinamantala na niya ang pagkakataon at ang second kick niya umano ang nagbigay daan sa kaniyang pagkapanalo sa 49-48 na puntos.

Aniya, hindi niya inaasahan na maipapalo niya at maging kwalipikado sa Tokyo Olympics dahil sobrang kinabahan siya sa laban at sobrang saya nito, kahit ipinagbabawal ay naibato pa niya ang kaniyang head gear.

Sa ngayon ay naka-quarantine sa isang hotel si Barbosa habang isinasagawa ang pagsasanay para mapaghandaan ang Tokyo Olympics.