Tanggal na sa red list ang Pilipinas sa traffic light system restrictions ng UK simula Oktubre 11.
Mula sa 54 na bansa, pito na lang ang naiwan sa listahan na kinabibilangan ng Panama, Colombia, Venezuela, Peru, Ecuador, Haiti at Dominican Republic.
Ang nasabing hakbang ay matagal nang hinihintay ng maraming Pilipino sa London.
Napag-alaman na noong nasa red list pa ang Pilipinas, 10 araw na quarantine sa hotel ang pagdating sa UK ang kailangang buuin at kailangang gumastos ng ‘di bababa sa 2,285 pounds.
Kung maalala, sa Sweden, business as usual na ang mga tao.
Mula pa noong September 29, tanggal na ang mga restrictions kontra COVID-19.
Wala na rin ang rekomendasyon ng pagsuot ng face mask kahit sa pampublikong sasakyan.
Binawi na rin ang restrictions sa restaurants at maging ang work from home.
Hindi na kailangang magsuot ng face mask ang mga taga-Sweden kahit nasa pampublikong lugar.
Pero nananatili ang rekomendasyon ng social distancing at naka-face mask pa rin ang health workers sa kanilang trabaho.