Target ng Pilipinas na makakuha ng non-permanent seat sa UN Security Council para sa 2027 hanggang 2028.
Kaugnay nito, pinagtibay ni DILG Sec. Benjamin Abalos Jr. na siyang nangunguna sa delegasyon ng Pilipinas ang commitment ng bansa para sa makatarungan at pantay na interntional order.
Sinabi din ng kalihim na handa ang PH na gawin ang mandato nito sa oras na mahalal ito sa non-permanent seat sa pagbubukas ng 33rd Session ng UN Commission on Crime Prevention and Criminal Justice (CCPCJ33) sa Vienna, Austria.
Tiniyak din ni Sec. Abalos na fully committed ang bansa sa paglaban sa terorismo, extremism, trafficking in persons at iba pang isyu sa seguridad.
Matatandaan na una ng nahalal bilang non-permanent member ng UNSC ang PH noong 1957-1963,1980-1981 at 2004-2005.