Target ng Pilipinas na mapalakas pa ang ugnayan sa mga bansa sa Africa.
Kasabay nga ng pagdiriwang ng Africa day ngayong araw, Mayo 25, kinilala ng Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong araw ang magkaparehong paniniwala at hangarin ang Pilipinas at African nations kabilang ang matatag na paniniwala sa demokrasiya, karapatang pantao at sustainable development.
Ito aniya ang dahilan kung bakit binuhay ng kaniyang kagawaran ang pagtutok sa pagtatatag ng mas malakas pang ugnayan sa bawat bansa sa Africa dahil sa lawak ng mga oportunidad na ipinapakita ng naturang kontinente.
Kaugnay nito, ibinunyag ni Sec. Manalo na ngayong 2024 matutunghayan ang palitan ng pagbisita ng senior officials mula sa magkabilang panig sa layuning magkaroon ng konkretong resulta sa iba’t ibang areas of cooperation.
Ngayong African day, ang pag-marka din sa founding ng Organization of African Unity noong 1963 na isang mahalagang araw sa kasaysayan ng Africa na sumisimbolo sa pagkakaisa at kolektibong layunin ngh African nations para sa kasarinlan at self-determination.