Target ng Pilipinas na pumangatlo sa internet connectivity sa Southeast Asia sa taong 2028.
Ito ay sa pamamagitan ng patuloy na pamumuhunan ng pamahalaan sa pagpapahusay pa ng internet connectivity sa ating bansa.
Ayon kay Department of Information and Communications Technology Secretary Ivan Uy, pang-anim ang bansa sa internet penetration sa mga bansa sa Southeast Asia, malaki aniya ang itinaas ng bansa mula sa dating 9th spot. Nagawa aniya ito sa loob lamang ng halos 2 taon.
Matatandaan, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang US$288 million Philippine Digital Infrastructure Project na layuning makumpleto ang national fiber backbone ng bansa at madala ang mabilis na internet connection maging sa malalayong lugar.
Sa kasaukuyan mayroong 13,462 free Wi-Fi sites sa 1,401 siyudad at bayan sa buong Pilipinas kabilang ang 3,040 Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAs).