-- Advertisements --

Susubukang tibagin ng Team Pilipinas ang record ng defending champions na Malaysia sa Division A ng Polo ng 2019 Southeast (SEA) Games.

Sa Linggo, December 1, maghaharap ang dalawang koponan para sa gold medal sa Miguel Romero Polo Facility dito sa Calatagan, Batangas.

Nitong hapon nang talunin ng Pilipinas ang Indonesia sa score na 6 – 4 1/2.

Malaking puntos sa score ng bansa ang ipinasok ni Augustus Aguirre, na tinulungan din ni Tommy Bitong.

Bago magsimula ang laban ay nakakuha na ng .5 point advantage ang Indonesia dahil lamang ang 5 team handicap point ng Pilipinas kontra sa 4 team handicap point ng dayuhang koponan.

Sa ilalim ng rules ng polo, otomatikong bibigyan ng puntos ang isang koponan na dehado sa bilang ng skill set ng kalabang team.

Dahil dito, may tsansa ang Pilipinas sa gold medal sa Linggo, December 1.

Sa kasaysayan ng SEA Games, Malaysia ang may hawak ng championship crown mula nang ipasok ito noong 2007 at ibalik noong 2017.

Bigo naman ang Pilipinas na makasungkit ng medalya noong 2007 SEA Games, samantalang hindi nagpadala ng delegado ang bansa sa naturang sporting event noong 2017.

Maghaharap naman para sa bronze medal ang Indonesia at dating 3rd placer na Brunei Darussalam.