-- Advertisements --

Tinutulan ng Pilipinas ang claim ng China na ginagamit ito bilang pain ng Estados Unidos.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo sa isang talumpati na ipinaabot ni DFA ASec. Marshall Louis Alferez sa strategic communication workshop ng Merchant Marine Academy na mayroong ilan na nais ituring ang WPS bilang isang usapin sa pagitan ng mga makapangyarihang bansa at ang Pilipinas ay isa lamang pain sa larong ito.

Subalit nanindigan ang kalihim sa pagtutol sa naturang nosyon.

Aniya ang naturang pronouncement ay isa lamang simpleng paraan ng pagpapaliwanag ng kumplikadong isyu na sinabi nitong idinisenyo para manipulahin ang mga tao para mag-disengage.

Sinabi din nito na hindi bystander lamang ang PH sa sitwasyon sa WPS dahil kailangan nitong kumilos para protektahan ang ating interes sa pamamagitan ng paglaban sa mga narratives na naglalayong ilihis tayo mula sa ating mga layunin.

Ikinalungkot din ng PH top diplomat ang narrative na bumabalot sa isyu sa West PH Sea sa mahabang panahon na.

Aniya, ang nasabing narrative ay hinahadlangan ng misinformation at manipulasyon at naghahasik ng pagkakawatak ng mga bansa at mamamayan.

Sinabi din ni Sec. Manalo na dapat ilahad ng PH ang iligalidad ng 9-dash line ng China na ginagamit na basehan para i-threaten ang kabuhayan ng mga mangingisda sa pamamagitan ng harassment at intimidation at para sa reclamation activities nito na nakakasira sa kapaligiran sa naturang karagatan.