-- Advertisements --
CRAY
Eric Cray (FB photo)

Kumpiyansa pa rin si Philippine Athletics Track and Field Association President Philip Ella Juico na makakahabol din para mapasama sa nalalapit na Tokyo Olympics ang dalawang Filipino American tracksters na sina Kristina Knott at Eric Cray.

Gayunman aminado si Juico na kung pagbabasehan ang world rankings ay nalalayo sa quota ang dalawang atleta dahil sa kakulangan sa mga partisipasyon sa mga torneyo.

Pero kung pagbabatayan naman daw ang hawak na mga qualifying marks at personal records nina Kristina Knott at Eric Cray ay malaki ang tiyansa ng mga ito.

Kapwa mga gold medalist sina Cray at Knott noong huling SEA Games.

kritina knott record sea games
Kristina Knott

Sinasabing ang cutoff naman sa qualifying sa kanilang mga event ay sa buwan ng Hunyo.

Samantala, una nang nag-qualify sa Tokyo Olympics na magsisimula sa Hulyo ang anim na mga Pinoy national athletes na sin sina Ernest John Obiena (pole vault), Carlos Yulo (Gymnastics), Eumir Marcial (boxing), Irish Magno (boxing), Nesthy Petecio (boxing), Carlo Paalam (boxing) at Hidilyn Diaz (weightlifting).