Tumaas pa ang ranggo ng Pilipinas sa international index na sumusukat sa katatagan ng isang bansa sa epekto ng pagtama sa ng pandemic sa kasagsagan ng omicron surge.
Mula sa dating 53rd spot ng COVID Resilience Index for Ferbruary ng Bloomberg ay tumaas na at ngayo’y nasa ika-50 spot na ang Pilipinas para sa buwan ng Pebrero base sa pandemic response ng 53 mga bansa.
Ang Bloomberg’s COVID Resilience Index ay buwanang assessment sa kung paano epektinong pinangangasiwaan ng mga bansa ang pandemya.
Ayon sa Bloomberg, kabilang sa mga indicators nito ay ang virus containment, kalidad ng healthcare, bakunahan, overall mortality, at international travel restrictions.
Tinanggal naman ang positive test rate mula sa kasalukuyang indicator dahil parami nang parami na rin ang mga bansang nagshi-shift sa paggamot sa naturang virus bilang trangkaso.
Samantala, kabilang naman sa top 3 ang United Arab Emirates (UAE), Ireland, at Saudi Arabia na sinundan naman ng Norway nasa ika-apat na spot at fifth spot naman bansang Australia.
Pinalitan naman ng Pakistan ang Pilipinas sa lowest spot habang nasa ika-52 pwesto naman ang bansang Hong Kong na ngayon ay kasalukuyang nakakaranas ng omicron surge.