Nagkaisa ang Pilipinas, Amerika at Japan para ilunsad ang Luzon Economic Corridor na siyang kauna-unahang partnership sa Global infrastructure and investment sa Indo-Pacific region.
Inihayag ang nasabing partnership sa joint statement kasunod ng Trilateral Summit na ginanap ngayong araw sa Washington DC sa Amerika.
Layon ng nasabing proyekto na palakasin ang ugnayan sa mga key economic hubs o sentro ng pangunahing ekonomiya ng bansa.
Ang Luzon Economic Corridor ay kumukunekta sa pagitan ng Subic Bay, Clark, Manila, at Batangas sa Pilipinas.
Pangako din ito ng Japan, Pilipinas at US na pabilisin ang mga coordinated investments partikular sa mga high-impact infrastructure projects.
Kabilang sa mga nasabing proyekto ay ang rail, ports modernization; clean energy and semiconductor supply chains and deployments, agribusiness at civilian port upgrades sa Subic Bay.
Batay sa joint statement, ang Luzon Corridor ay patunay na ang pinalawak na economic cooperation ng tatlong bansa ay nakatutok para mabilis na maiparating ang mga investment sa ibat ibang sektor.