-- Advertisements --
image 202

Kinumpirma ng White House na nagpulong ang tatlong lider ng US, Japan kabilang ang Pilipinas kaugnay sa tensiyon sa disputed seas sa sidelines ng ASEAN Summit and Related Summits sa Jakarta, Indonesia.

Sa isang statement, ibinunyag ng White House na nakipagkita si US VP Kamala Harris kay PBBM at Japanese PM Fumio Kishida sa indonesia nitong Huwebes kung saan kanilang tinalakay ang maritime security environment sa disputed waters.

Natalakay din ng tatlong lider ang mga paraan kung paano mapapalakas pa ang trilateral maritime cooperation kabilang ang humanitarian assistance at disaster relief efforts.

Binigyang diin ni VP Harris ang pagtutol ng gobyerno ng Amerika sa aksyon ng China sa pinagtatalunang karagatn at ipinunto ang kahalagahan ng pagtalima sa international law.

Natalakay din nina Harris, Marcos at kishida ang mga paraan para palakasin pa ang kanilang economic cooperation at paginvest sa matatag at diversified supply chains.