Walang pinatutukuyang sinuman ang PH-US Balikatan 2019 exercises na naka pokus sa counter terrorism, extemism,territorial defense at humanitarian and disaster response.
Ito ang binigyang linaw ng PH-US Balikatan 2019 media affairs.
Ayon kay Balikatan US media relations Lt. Tori Sharpe, walang kinalaman sa aktibidad ng China sa West Philippine Sea ang isinagawang amphibious landing exercise.
Ito’y kahit kabilang sa joint war games ang pagbabantay sa teritoryo ng bansa.
Aniya, ang balikatan ay para mapalakas ang capabilities at interoperability ng US at Pilipinas.
Isinagawa ang amphibious exercise sa karagatan ng San Antonio, Zambales harap ng West Philippine Sea.
Ang USS Wasp na isang multipurpose amphibious assault vessel ay naka angkla sa karagatan ng Zambales malapit sa Scarborough Shoal na inaangkin ng China.