Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang bagong bilateral defense guidelines na pinagtibay ng Manila at Washington ay siyang tugon sa security challenges na kinakaharap ng dalawang magka-alyadong bansa.
Binigyang-diin ng Pangulo na layon ng nasabing guidelines ay ang pagtatanggol laban sa mga banta sa cyberspace, naglalayong “gabayan ang mga priyoridad na bahagi ng pakikipagtulungan sa pagtatanggol upang matugunan ang parehong conventional at non-conventional security challenges na kapwa ibinabahgi ng Estados Unidos at Pilipinas.
Ipinunto ni Marcos na ang “security and defense” issue ay hindi na maaaring maituring na isolated issue ngayon.
Binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan na mag pokus sa bagong ekonomiya mula sa post-pandemic world.
Sabi ng Pangulo mayruong impact sa ekonomiya ang giyera sa Ukraine at ang mga ganitong issues ay kailangan talagang tugunan.
Sa pulong ng Pangulo sa Pentagon kasama si US Defense Secretary Lloyd Austin muling pinagtibay ang commitment ng Washington sa pagpapalakas sa defense capabilities ng Pilipinas kung saan nakapaloob sa Security Sector Assistance Roadmap na siyang magiging basehan sa defense modernization investments sa susunod na lima hanggang 10 taon.