Nagsanib-pwersa ang Pilipinas, Amerika, Japan at Canada sa Multilateral Maritime Cooperative Activity sa West Philippine Sea.
Kinumpirma ngayong araw ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office chief Col. Xerxes Trinidad na isinagawa ang naturang maritime activity kahapon, Hunyo 16 sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Sa isang pahayag, pinagtibay ni Japanese Ambassador to the PH Endo Kazuya ang commitment ng Japan para palakasin pa ang regional at international cooperation para makamit ang malaya at bukas na Indo-Pacific region.
Una rito, noong Abril ng kasalukuyang taon, napaulat na pinag-aaralan ng PH kasama ang US at Japan na magsagawa ng mas marami pang combined naval training at exercises ng magkakasama.
Nangako din ang 3 bansa para sa pagpapalakas pa ng kanilang kooperasyon para sa pagtataguyod ng domain awareness kasama na ang humanitarian assistance at disaster relief.