Inanunsiyo ng Pilipinas, US at Japan na magkakaroon ng joint humanitarian assistance, disaster response exercise na maaaring isama sa kasalukuyang trilateral at multilateral activities.
Sa isang Joint Vision Statement na inilabas ng tatlong bansa, nangako ang mga ito na palawakin pa ang kanilang koordinasyon para isulong ang maritime domain awareness at lumalim pa ang kooperasyon sa humanitarian assistance and disaster relief.
Layon ng nasabing humanitarian disaster response exercise na maging handa ang tatlong bansa sa pagtugon sa mga kalamidad at posibleng maranasang krisis at may sapat na contingency.
Inanunsiyo din sa joint statement na bubuo ng trilateral maritime dialogue para paigtingin pa ang koordinasyon at ang collective responses para isulong ang maritime cooperation para tugunan ang mga illegal, unreported, at unregulated fishing.
Nangako din ang US at Japan na kanilang ipagpatuloy ang pagbibigay suporta sa Philippine Coast Guard’s (PCG) para sa kanilang capacity building.
Inihayag din ng tatlong bansa na sa susunod na taon, plano ng coast guards na magsagawa ng at-sea trilateral exercise at iba pang maritime activities sa Indo-Pacific ng sa gayon mapabuti pa ang interoperability ng mga coast guard personnel.