Nagkaisa ang Pilipinas, Amerika at Japan na protektahan ang Indo-Pacific region sa pamamagitan ng pagpanday ng mas malakas na trilateral alliance.
Ngayong araw (US time) ginanap ang trilateral summit na pinangunahan nina President Ferdinand R. Marcos Jr., United States President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida.
Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang trilateral meeting ay nakatali sa iisang pananaw na naghahangad ng isang mapayapa, matatag at maunlad na Indo-Pacific” region sa gitna ng mga hamon sa international rules-based order.
Sinabihan ni Pang. Marcos sina Biden at Kishida na mahalaga ang pinag-isang hakbang para tugunan ang mga mga hamon na kinakaharap sa rehiyon.
Dagdag pa ng Pangulo, bukod sa pagpapalalim sa ugnayan ng tatlong bansa, hangad din ng Pilipinas na tukuyin ang mga paraan para mapalago ang ekonomiya ng bansa at gawing mas matatag ito.
Ipinunto naman ni President Biden na ang “new era of partnership” sa Pilipinas at Japan ay kanilang sisiguraduhin na mapanatili ang isang malaya, bukas at progresibong Indo-Pacific.
Bukod sa naging pangako sa defense and amritime cooperation, tiniyak ng US at Japan ang kanilang suporta na tulungan ang Pilipinas sa pagtugon sa climate change at palaguin ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagbuo ng mga industriya at maraming trabaho para sa mga Filipino.