-- Advertisements --

manalo1

Kapwa nanindigan ang Pilipinas at Estados Unidos ang kahalagahan ng pagpapalakas ng alyansang militar, kabilang ang pagdaragdag ng apat na bagong EDCA sites sa bansa.

Ito ay bilang tugon sa mga hamon na kinakaharap sa rehiyon.

Maraming mga regional issues ang tinalakay sa isinagawang PH-US 2+2 Ministerial Meeting dialogue na ginanap sa Washington DC na dinaluhan nina US Secretary of State Anthony Blinken, Secretary of Defense Lloyd Austin, Dept of Foreign Affairs Sec Enrique Manalo at Defense Sec Carlito Galvez.

Tinalakay din sa isinagawang 2+2 meeting sa Washington ang posibilidad na magsagawa ng joint patrols at iba pang aspeto ng relasyon ng dalawang bansa.

Inihayag naman ni Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo na naging makabuluhan ang 2+2 meeting partikular ang pangako ng Amerika na tulungan ang Pilipinas sa modernization effort lalo na sa defense capabilities, civilian law enforcement at humanitarian and disaster response capabilities at ang pagpapatupad ng mga EDCA projects.

Nilinaw naman ni Secretary Manalo na layon ng mga bagong EDCA sites ay para mapalakas ang interoperability sakaling magkaroon ng anumang potential human challenged at pagtugon sa mga kalamidad.

Ipinunto ni Manalo na patuloy pa rin ang pag-uusap ng Pilipinas at US kaugnay sa paggamit ng mga EDCA sites.

Binigyang-diin ni Manalo na nakatakdang paplantsahin pa ang Terms of Reference sa paggamit ng mga EDCA sites.

Batay sa EDCA, maaaring ipagamit sa mga tropang Amerikano ang mg Kampo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakalaan lamang sa pagsasanay.