Sanib-puwersang nagkasa ng Marine Exercise 2024 ang Philippine Marine Corps at United States Marine Corps.
Ito ang kauna-unahang bilateral exercises ng naturang mga hukbo na isinagawa sa bahagi ng rehiyon ng Central Mindanao kung saan kabilang sa mga lugar na pagdadausan ng pagsasanay ay sa Camp Iran Un sa Brgy. Togaig, Barira at Brgy. Pura, Datu Blah Sinsuat na pawang nasa Maguindanao del Norte.
Sa ulat kabilang sa mga aktibidad na ikakasa sa MAREX 2024 ay ang sere ng Subject Matter Exchange Exercise, Combined Field Training Exercise, Communication, Tactical Combat Casualty Care, Urban and Jungle Operations, Logistics, Marksmanship, Planning and Orders Development, at Community Relations and Humanitarian Assistance activity.
Ang naturang pagsasanay ay layuning mas mapalakas pa ang interoperability sa pagitan ng dalawang bansa.
Habang inaasahan naman na magtatagal ang Maritime Exercises 2024 ng Pilipinas at Amerika hanggang sa Abril 19, 2024.