Binuksan ng Philippine Air Force at US Pacific Air Force (US-PACAF) $2.7 million fuel storage facility sa Brig. Gen. Benito N. Ebuen Air Base sa Lapu-Lapu City, Cebu.
Ang naturang pasilidad ay isa sa mga Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) site sa bansa.
Dalawang storage tank ang nasa ilalim nito kung saan bawat tanke ay may kapasidad na 75,708 liters.
Mayroon din itong mga modernong fuel handling system, covered area para sa mga truck na magsasagawa ng refueling, atbpang kagamitang akma sa security and safety standards.
Ayon kay PAF spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, ang bagong pasilidad ay nasa strategic location para sa air at land assets ng PAF.
Unang sinimulan ang proyekto noong June 22, 2022 at nakumpleto nitong nakalipas na taon, sa pamamagitan ng pondong inilaan ng US.