-- Advertisements --

Naniniwala si AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner na mananatiling matatag at matibay ang relasyon ng Pilipinas at Amerika sa ilalim ng bagong administrasyon.

Ito’y matapos manalo sa katatapos na US elections ang nagbabalik na Pangulo na si Donald Trump.

Tinanong kasi si Brawner ng mga mamahayag kung magkakaroon ng pagbabago sa relasyon ng dalawang bansa ngayong iba na ang administrasyon.

Sinabi ni Brawner, kumpiyansa siya walang mababago, patunay dito ang mga kasunduan na kanilang nilagdaan kabilang dito ang Mutual Defense Treaty (MDT).

Bukod pa dito ang matagal ng defense cooperation ng dalawang bansa na simula pa nuong World War II.

Giit ni Brawner hanggang ngayon patuloy ang ibinibigay na suporta ng US sa Pilipinas lalo na sa kampanya laban sa terorismo.

Binigyang-diin pa ni Chief of Staff kahit sa iba pang mga banta na kinakaharap ng Pilipinas nandiyan pa rin ang Amerika na tumutulong.

” We are at the Armed Forces of the Philippines are optimistic, that the relationship of the Armed Forces of the Philippines with the military of the United States, will remain robust and strong.
The reason why I say this? Is because of the existence of several agreements, the MDT being one, Mutual Defense Treaty. And aside from that, we share a long history of a defense cooperation with the United States, we fought together during the World War II, they have continued to support us, against in our campaign against terrorism. Even again, now against the other treats that we are facing in the region, they still continue to support us.
And, aside from that, there were several statements that were given by U.S. official even prior to the elections stating that the United States, would continue to supports us in terms of the defense cooperation that we have. Regardless, of who wins the elections. So, we still very optimistic,” pahayag ni Gen. Brawner sa panayam ng Bombo Radyo.