-- Advertisements --
VIP2
IMAGE | VIP Facility design/Photo from DOST

MANILA – Nakikipag-usap na ang Department of Science and Technology (DOST) sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan kaugnay ng itatayong gusali ng Virology and Vaccine Institute of the Philippines (VIP) sa Tarlac.

“Sa kasalukuyan, nakikipag-usap na ang DOST sa BCDA (Bases and Conversion Development Authority) para sa lupa, at DPWH (Department of Public Works and Highways) kasi mayroon sa kanilang P50-million para sa detailed engineering design this year, para next year maumpisahan na yung construction,” ayon kay Science Usec. Rowena Guevara.

Itatayo sa 5-hectare land property ng New Clark City sa Capas, Tarlac ang VIP.

Ilan sa mga tampok na pasilidad ng research institute ang animal house at greenhouse para sa animal at plant research.

Magtatayo rin daw ng BioSafety Level-2 hanggang BioSafety Level-3 laboratories, at BioSafety Level-4 laboratory na kauna-unahan sa Pilipinas.

“The design of this state-of-the-art facility is based on existing WHO guidelines on establishing virology laboratories in compliance with biosafety and biosecurity protocols.”

Sa susunod na buwan sisimulan ng DOST ang ilang research and development (R&D) projects bilang paghahanda sa VIP.

Katuwang nila ang Baylor College of Medicine sa Amerika; St. Luke’s Medical Center, at Research Institute for Tropical Medicine dito sa Pilipinas.

“The six projects will focus on the fields of human, animal, and plant virology and the research areas of diagnostics, therapeutics, and vaccines,” ani Guevara.

Kabilang sa sakop ng proyekto ang pag-aaral sa mga “zoonotic virus” o sakit na galing sa hayop at naipapasa sa tao; sakit na posibleng mabuo sa pagkain at tubig; development ng test kits para sa mas mabilis na detection ng African swine fever; at “tomato yellow
leaf curl virus.”

“Which infects tomatoes, a multi-million sector of our country. But it can also infect beans, pepper, tobacco, cucumbers, and other important crops, translating to millions in losses.”

May P284-million na inisyal na pondo ang anim na study projects.

vip
IMAGE | The VIP roadmap for the next 5 years/Photo from DOST

Ayon kay Guevara, ilang Pinoy scientists na naka-base rito sa bansa ang naghayag ng interes ng tumulong sa paglulunsad ng VIP. Ilang “Balik-Scientists” din ang parte ng mga inisyal na proyekto.

“The involvement of these scientists can also promote and forge linkages with other institutions and collaborators. The VIP is open for more collaborators who wish to partner and do research with the VIP.”

Naka-depende sa pagpasa ng Kongreso ang pagtatayo ng pisikal na struktura ng research institute.

Sa ngayon, ang Committee on Appropriations pa lang ng Kamara ang nagpapasa sa panukalang batas para sa pagtatayo ng VIP.

Bagamat may dalawang sponsored bills nang nakahain sa Senado, hindi pa ito sinisimulang talakayin ng mga senador.

“Yung building, ine-expect namin about two years to build that. So baka end of 2023 or 2024 nakabukas na yung building.”

“Pero even without the building, we can operate the institute dito muna ITDI (DOST-Industrial Technology Development Institute) naka-locate.”