-- Advertisements --
Pinawi ng Phivolcs ang pangamba ng publiko ukol sa tsunami na maaaring ihatid sa bansa ng 7.4 magnitude na lindol na naitala sa Chile.
Ayon sa ahensya, mahigit 17,000 kilometers ang layo ng Chile sa Pilipinas kaya malabong maapektuhan tayo ng pagyanig at tsunami.
Naitala ang pagyanig kaninang bago mag-alas-10 ng umaga (oras sa Pilipinas).
May lalim itong 170 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Natukoy ang epicenter sa Northern Chile.
Inaalam pa ngayon ang kabuuan ng naitalang pinsala sa nasabing bansa.