Binigyang diin ng Malacañang na walang hurisdiksyon ang International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas, at hindi rin pinagu-usapan ang posibilidad ng muling pagsali ng bansa sa Rome Statute.
Ayon kay Palace Press Officer Usec Claire Castro, walang commitment ang pamahalaan na ipatupad ang freeze order sa assets ni dating Pangulong Rodrigo Dutete, sakaliman na ipag-utos na ito ng ICC.
Kung matatandaan, una nang sinabi ng Anti-Money Laundering Cuncil (AMLC) na sa kasalukuyan, wala pa silang natatanggap na opisyal na request mula sa ICC hingil dito, at sakaliman na mayroon, sasailalim pa ito sa evaluation, at ko-konsultahin pa ang mga kinauukulang tanggapan ng pamahalaan, kaugnay sa susunod na hakbang ng AMLC.
” When it comes to the alleged incoming freeze order to be issued by the ICC, there is no commitment on our part, on the part of the administration if we will comply with any order issued by the ICC considering that the ICC as of the moment has no jurisdiction over the Philippines,” pahayag ni Usec. Claire Castro.