-- Advertisements --
Walang intensyon ang Pilipinas na higpitan ang pamumuhunan at mga turista mula sa China at magpapatuloy aniya ito sa kabila ng kamakailang insidente sa Ayungin shoal na nagresulta sa ilang sundalong Pilipino na nasugatan.
Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, patuloy na magiging bukas ang bansa sa mga pamumuhunan bilang parte ng global supply chain.
Ginawa ng opisyal ang pahayag sa isang panel sa isinagawang International Media Conference sa East-West Center.
Ayon sa kalihim, pagdating sa foreign direct investments, nag-ambag ang China ng 0.9% ng kabuuang inflows sa nakalipas na 3 taon, bumaba ito mula sa peak na 4.4% mula 2015 hanggang 2019.