-- Advertisements --

Inamin ng Office of Solicitor General na walang legal duty ang PH na makipag cooperate sa ICC investigators.

Subalit inihayag ni SolGen Menardo Guevarra na malaya nang makakapasok sa Pilipinas ang mga imbestigador ng International Criminal Court para magsagawa ng kanilang pag-aaral sa kasong isinampa laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at mga opisyal nito na sangkot sa extrajudicial killings kaugnay sa War on Drugs.

Pero binigyang-diin Guevarra na mananatili ang posisyon ng gobyerno na huwag makipag-tulungan sa mga ICC investigators sakaling makapasok ang mga ito sa bansa.

Ito ang inihayag ni Guevarra sa isinagawang pagdinig ng joint House Committee on Justice at Human Rights ngayong araw.

Sa pagpasok ng mga ICC investigators, payag naman umanong makipagtulungan ang Commission on Human Rights kaugnay sa imbestigasyon ng extrajudicial killings.

Ayon kay CHR Commissioner Faydah Dumarpa, ang komisyon ay isang independent body na nilikha protektahan ang karapatang pantao.

Sa panig naman ng DOJ at DFA, nakadepende ang kanilang desisyon sa magiging desisyon ni Pang.Ferdinand Marcos Jr.

Samantala, inaprubahan na rin ng Committee on Human Rights ang House Resolution 1477 na walang amendment in consolidation sa House Resolutions 1393 at 1482.