-- Advertisements --
PASAY CITY – Nasungkit ng Philippine National Fencing Team ang gintong medalya sa Women’s Epee Event ng ika-30 edisyon ng Southeast Asian Games na ginanap sa World Trade Center sa lungsod ng Pasay.
Nakahabol sina Harlene Raguin, Hanniel Abella, at Anna Gabrielle Estimada laban sa koponan ng Singapore para makuha ang final score na 45-38.
Hindi naging maganda ang pagsisimula ng laro para sa Pilipinas pero pagsapit ng Round 8 ay nakakuha ng momentum si Raguin para lamangan ang katunggali, 36-34.
Hindi na pinakawalan pa ni Abella ang ginawang abanse ni Raguin upang masiguro ang panalo para sa Pilipinas.
Labis naman ang kasiyahan ng mga Pilipinong nanood at sumuporta sa emosyunal na mga pambato ng bansa dahil sa tagumpay ng mga ito.