Umaasa ang mga miyembro ng Philippine wushu team na makakapagsanay sila sa mismong venue ng wushu sa 30th Southeast Asian Games para ma-familiarize sila sa lugar.
Matutunghayan ang wushu events sa Philippine International Convention Center (PICC) mula Disyembre 1 hanggang 3 para sa buong coverage ng SEA Games.
Ayon kay two-time SEA Games gold medallist Daniel Parantac, malaking bagay na ma-familiarize sila sa venue upang lumakas pa lalo ang tsansa nilang makasungkit ng gold medal.
“If we can train in the actual venue at least two weeks before the competition, it will be good for us. Actually, the earlier, the better,” wika ni Parantac sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum na ginanap sa Amelie Hotel sa Manila.
“If we train in the venue two or three days before the competition, that’s not enough. We need to get used to the surface. Meron kasi surface na madulas and meron din makapit,” dagdag nito.
Samantala, buo naman ang loob ni Agatha Wong na madedepensahan niya ang kanyang titulo at malaking tulong daw ang pag-eensayo nito sa China.
“China has the resources that no one else does. We improved a lot during our training there,” ani Wong.
“When we compete, we always give our best. We always assure ourselves of that. In this SEA Games, we will give our best.”
Una nang sinabi ni Philippine Wushu Federation secretary general Julian Camacho sa panayam ng Bombo Radyo na sisikapin nilang higitan ang nag-iisang gintong medalya na kanilang nadagit noong 2017 SEA Games na ginawa sa Malaysia.
Ani Camacho, kahit na may nararamdaman silang kaunting pressure, nakatitiyak daw silang magagamit nila nang husto ang homecourt advantage sa torneyo.