-- Advertisements --
PASAY CITY – Muling humatak ng gintong medalya nitong umaga ang pambato ng bansa sa wushu na si Agatha Wong sa isinagawang Taolu Taijijian event sa World Trade Center kaugnay pa rin sa nagpapatuloy na 30th SEA Games.
Umangat ang Pinay wushu queen sa kaniyang mga katunggali sa iskor na 9.65 points upang madagdagan ang unang gintong medalya na naibulsa niya noong Linggo sa Women’s Taijiquan.
Nakuha ng Vietnam ang silver medal sa iskor na 9.63 points at napunta sa Brunei ang bronze medal.
Maaalalang nagwagi rin noon ng isang ginto at isang pilak na medalya ang double gold medalist na si Wong sa 29th SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia noong 2017. (Story by Donnie Degala)