-- Advertisements --

Tuluyan ng natapos ang pagtatanghal ng tinaguriang longest running Broadway musical na Phantom of the Opera.

Inialay ni composer Andrew Lloyd Webber ang huling pagtatanghal sa stage sa kaniyang anak na si Nick na pumanaw noong Marso sa edad na 43 dahil sa gastric cancer at pneumonia.

Itinakda sana noong Pebrero ang huling pagtatanghal nito subalit dahil tumaas ang demand ng mga nais na makapanood kaya pinalawig nila ito.

Nagsimula ang musical noong Enero 26, 1988 sa Majestic Theatre sa New York.

Sa loob ng 35 taon ay nakapagtanghal sila ng 13,981 shows na mayroong pitong Tony Awards at kumita ng mahigit $1.3 bilyon.

Sa huling palabas ay sinasabing kumita ito ng hanggang $3-milyon.

Nahinto lamang ng 18 buwan ang show noong pandemiya at ng sila ay bumalik ay tumaas ng hanggang 15 percent ang kanilang kita.

Dumalo naman ang mga dati at kasalukuyang actor ng musicals na sina Sarah Brightman at Emilie Kouatchou.

Mula sa unang show nito ay mayroong 16 na actors ang gumanap bilang Phantom na pinangunahan ni Howard McGillin na gumanap sa loob ng pitong taon na mayroong mahigit 2,500 performances.