-- Advertisements --
Mayroong pang kinokolektang utang ang Pharmally Pharmaceutical Corp. sa gobyerno mula sa binili nilang COVID-19 supplies.
Sa ginawang Senate blue ribbon hearing, sinabi ni Pharmally corporate secretary at treasurer Mohit Dargani na aabot sa P1.5 bilyon ang hindi nababayaran sa kanila ng Department of Budget-Procurement Service (PS-DBM).
Nauna nang nakapagbayad kasi ang PS-DBM ng P8.5 bilyon.
Hindi naman sinagot ni Dargani ang tanong ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kung puwedeng hindi muna bayaran ang balance hanggang hindi nareresolba ang isyu.
Dagdag pa ni Dargani na ang magdedesiyon ay ang kanilang mga board of directors.