Lumapit na ang kampo ni Pharmally Pharmaceutical Corporation director Linconn Ong sa Korte Suprema para palayain na siya sa kustodiya ng Senado.
Sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio ang abogado ni Ong na hinikayat nila ang SC na payagan ng makalabas si Ong.
Labag aniya sa konstitusyon ang ginawa ng Senado na ikulong ang resource person matapos na patawan ng contempt.
Nakalagay bilang respondents ay sina Senate Blue Ribbon committee chairperson Richard Gordon, Senate President Vicente Sotto III at retired Major General Rene Samonte ang Senate sergeant-at-arms.
Si Ong ay nasa kustodiya na ng Senado mula pa noong Setyembre 21 matapos na ma-contempt dahil sa pag-iwas sa mga katanungan ng mga senador ukol sa imbestigasyon na maanomalya umanong pagbili ng gobyerno ng mga medical supplies sa Pharmally.