-- Advertisements --

Naglabas ng sama ng loob ang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corp. laban sa Senate blue ribbon committee.

Sinabi ni Pharmally corporate secretary and treasurer Mohit Dargani na tila tinatrato ang mga ito bilang isang kriminal.

Sarado rin aniya ang pag-iisip ng ilang mga senador dahil hindi sila nakikinig sa kanilang mga paliwanag.

Ginawa rin nila ang kanilang makakaya na makipagtulungan sa Senado at nirerespeto anila ang mga mambabatas.

Paliwanag naman ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, kung totoong nakikipag-cooperate ang mga ito ay dapat ilabas nila ang lahat ng mga dokumento na kanilang hinihiling.