Nakumpleto na ng Philippine Ports Authority (PPA) at ng Manila North Harbour Port, Inc. (MNHPI) ang unang bahagi ng mga upgrades sa Manila Nothport Terminal ngayong araw.
Siniguro ng pamunuan ng mga naturang ahensya na ang mga updates at mga karagdagang bahagi nito ay nakatuon para sa mas mabilis at malumanay na daloy ng biyahe para sa mga pasahero sa naturang pantalan.
Kabilang sa mga naging upgrades sa pantalan ay ang mas makabagong pasilidad nito gaya ng mga modernized restrooms, mas maayos na departure area, tatlong bagong x-ray baggage inspection baggage machine at ilan pang mga renovations.
Samantala, siniguro naman ng PPA at MNHPI na hindi ito ang magiging huling bahagi ng Northport upgrades.
Aniya, magpapatuloy ang mga renobasyon nasa pantalan pagpasok ng enero sa sususnod na taon para sa mas magandang daloy ng mga pumapasok na pasahero sa pantalan.