Ibinunyag ng Department of Health (DOH) na magsisimula na sa buwan ng Nobyembre ang Phase 3 ng vaccine trials para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
“The Inter-Agency Task Force’s (IATF) Sub-Technical Working Group (sub-TWG) on COVID-19 Vaccine Development led by the Department of Science and Technology (DOST), together with other government agencies, is gearing up for the conduct COVID-19 vaccine phase 3 clinical trials in the country which are set to begin this coming November,” saad ng DOH sa isang pahayag.
Para sa Phase 3 ng clinical trials, libu-libong pasyente ang babakunahan upang alamin ang safety at pagiging epektibo ng COVID-19 shots.
Kamakailan nang isiwalat ng pamahalaan na kanilang nire-review ang aplikasyon ng tatlong international drug makers na makilahok sa phase 3 ng trials.
Ang naturang mga kumpanya ay ang Sinovac ng China, Gamaleya Research Institute ng Russia, at ang Belgium-based na Janssen Pharmaceutical Companies, na subsidiary ng Johnson & Johnson.
Hindi naman sinabi ng DOH ang progress ng aplikasyon ng naturang mga kompanya.
Sinabi ng kagawaran, ang DOST na siyang mamumuno sa clinical trials, ay tutulungan ng iba pang mga ahensya ng pamahalaan kasama na ang Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Trade and Industry (DTI) at Food and Drug Administration (FDA).