Nakatakdang magpatupad ng phased lockdown ang isang lungsod sa China bilang hakbang upang pigilan ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 dito.
Ipapatupad ang lockdown sa eastern half ng Shanghai, na kilala bilang pinakamalaking lungsod ng China, sa lunes na susundan naman western side nito pagsapit ng April 1.
Ito ay matapos na manguna sa may pinakamaraming kaso ang nasabing lugar sa unang bahagi ng Marso.
Dahil dito ay tigil-operasyon din ang mga bus, taxi, at maging ang extensive subway system ng lungsod.
Habang pinayuhan naman ang mga residente na manatili sa kanilang mga tahaan sa panahon ng mga lockdown.
Magpapatuloy naman ang operasyon ng mga indibidwal na nagtatrabaho sa pagbibigay ng mahahalagang serbisyo tulad ng gas, kuryente, transportasyon, sanitasyon, at supply ng pagkain.Top