Nagsagawa ng transport mission ang Cotabato City-based Special Mission Aviation (Aeroscout) Company ng Philippine Army Aviation Regiment sa probinsiya ng Sulu at Tawi-Tawi.
Ayon kay Philippine Army spokesperson Col. Xerxes Trinidad, dalawang Army aviators ang nag pilot sa isang Cessna 172 plane kung saan sakay dito si Army Artillery (King of the Battle) Regiment Commander BGen. Romulo Manuel Jr. mula sa Zamboanga City patungong Jolo,Sulu para dumalo sa ika walong anibersaryo ng Field Artillery Battalion.
Dagdag pa ni Trinidad, inihatid din ng Aeroscout Company si BangsamoroAutonomous Region for Muslim Mindanao (BARMM) Transportation Minister Dickson Hermoso mula Zamboanga City patungong Tawi-Tawi nuong October 26,2021.
Ang paglipad sa mga naturang opisyal ng Philippine Army Aviation (Hiraya) Regiment ang isa sa kanilang capabilities sa pagbibigay ng madaliang tugon lalo na sa aerial requirements para sa mga ground operating units partikular ang mga field unit commanders.
Ang piloto ng nasabing aircraft ay si Captain Cunanan na siyang Pilot-in-command at Captain Anthon Ryan Puebla na siyang co-pilot.