Nagsagawa ng isang araw na pagsasanay ang mga tropa ng Philippine Army at Philippine Navy na kabilang sa combat engineering units na ginanap sa Marine Base Gregorio Lim, Ternate, Cavite.
Ayon kay Philippine Army Spokesprson Col. Xerxex Trinidad, ang mga sundalong nagsanay ay mula sa Philippine Army’s 525th Engineer Combat Battalion at Philippine Navy’s 3rd Naval Combat Engineer Battalion.
Sinabi ni Trinidad naka pokus ang nasabing pagsasanay sa fundamentals of explosive demolition, gaya ng individual priming of explosives, confidence explosives firing gamit ang electric and non-electric system, obstacle breaching, emplacement of wire entanglement, at single and multiple room clearing.
Sumali rin sa pagsasanay ang mga estudyante at instructors nang nagpapatuloy na Combat Engineer Squad Operations Training.
Sinabi naman ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Andres Centino na mahalaga ang ganitong mga joint training para mas mapaangat ang capability at interoperability Army at Navy sa pagharap sa lahat ng banta sa seguridad ng bansa.
“This is an important exercise between the Philippine Army and Philippine Navy that will strengthen our interoperability and preparedness in addressing the ever-changing security situation in the country,” pahayag ni Lt. Gen. Centino.