Binati ni outgoing Philippine Army commanding general at AFP (Armed Forces of the Philippines) chief of staff Lt. Gen. Andres Centino si M/Gen. Romeo Brawner Jr., sa kanyang promosyon at appointment bilang susunod na Army chief.
Ayon kay Lt. Gen. Centino, “competent” at “dedicated” commander is Brawner kaya nasa mabuting kamay ang Philippine Army sa kanyang pamumuno.
Si M/Gen. Brawner ay miyembro ng Philippine Military Academy “Makatao Class” of 1989.
“The Philippine Army congratulates Maj. Gen. Brawner on his appointment. As a competent and dedicated commander and leader, the Philippine Army is in good hands with Maj. Gen. Brawner at the helm,” pahayag ni Lt. Gen. Centino.
Pinuri naman ni Centino ang mga naging accomplishments ni Brawner lalo na sa kampanya laban sa insurgency.
Samantala sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay Philippine Army spokesperson Col. Xerxes Trinidad, sinabi nito na patuloy ang kanilang paghahanda para sa turnover ceremony na gagawin ngayong linggo.
At dahil sa appointment ni Brawner, tiyak na may paggalaw din sa mga nabakanteng puwesto.