-- Advertisements --

army

May bago ng Commander ang Philippine Army Scout Ranger Regiment sa katauhan ni Col. Freddie Dela Cruz, siya ang pumalit sa pwesto ni MGen.William Gonzales na itinalaga bilang Commander ng Joint Task Force Sulu.


Mismong si Phil. Army Chief Lt.Gen. Cirilito Sobejana ang nanguna sa Change of Command Ceremony ngayong araw October 13, 2020 sa Camp Tecson, San Miguel,Bulacan.

Bago pa man itinalaga bilang Scout Ranger Regiment si Dela Cruz siya ang Deputy Group Commander ng Presidential Security Group.

Si Dela Cruz ay miyembro ng PMA Class 1992 habang si MGen. Gonzales naman ay miyembro ng PMA Class 1989.

Kabilang sa ipinagmamalaki ni Gonzales bilang regiment commander ay ang neutralisasyon ng nasa 150 ASG members at iba pang mga bandidong rebelde.

Mensahe naman ni Sobejana sa bagong regiment commander na ipagpatuloy nito ang kanilang dedication and commitment sa kanilang misyon.

Panatilihin ang pagiging agresibo sa pag neutralized sa mga kalaban ng gobyerno.