-- Advertisements --

sf3

Nagsasanay ng mga karagdagang paratroopers ang Special Forces Regiment (SFR) ng Philippine Army.

Nasa 105 opisyal at anim na enlisted personnel ang kabilang sa Basic Airborne Course (BAC) Class 133-2022 na pormal na nagbukas sa SFR headquarters sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija kahapon.

Ayon kay SFR(A) Commander Col. Ferdinand B. Napuli karamihan sa mga sinasanay na opisyal ay mga bagong 2nd Lieutenants na miyembro ng Philippine Military Academy “Bagsik-Diwa” Class of 2022.

Habang ang anim na enlisted personnel ay mula sa SFR(A), Light Reaction Regiment at 7th Infantry Division.

sf2

Sa kanyang mensahe, hinamon ni Col. Napuli ang mga “future paratroopers” na kumpletuhin “with flying colors” ang lahat ng bahagi ng kurso.

Sa kanyang command guidance, Binigyang diin ni Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Romeo S. Brawner, Jr. ang kahalagahan ng pagpapaangat ng kapabilidad at kasanayan ng mga sundalo sa pamamagitan ng mga regular na pagsasanay.