Walang natatanggap na ulat ang pamunuan ng Philippine Army (PA) na may mga sundalo ang nagresign sa serbisyo bunsod ng pagkaka-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na nahaharap sa kasong Crime Against Humanities.
Ang pahayag ng Philippine Army ay bunsod sa mga kumakalat na ulat sa social media na nagkakaroon ng mass resignation dahil sa paghuli sa dating Pangulo.
Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay Philippine Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala, kaniyang sinabi na walang report ang hukbo hinggil sa resignation ng mga sundalo.
Binigyang-diin ni Dema-ala na ang Philippine Army isang propesyunal na organisasyon na binubuo ng mga propesyunal na sundalo na nanatiling naka pokus sa kanilang sinumpaang mandato.
Sa kabilang dako, nilinaw naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nananatiling unverified ang mga ulat na nag resign sa serbisyo karamihan sa mga sundalo bilang suporta sa dating Pangulo.
Nanawagan ang AFP sa publiko na maging maingat, mapanuri at huwag magpakalat ng mga hindi kumpirmadong impormasyon.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Padilla nanatiling propesyunal ang mga sundalo, nagkakaisa at non-partisan.
Nanatiling committed ang AFP sa kanilang mandato na depensahan ang bansa at ang sambayanang Filipino.