Isang Skipper’s Farewell Cruise Ceremony ang ibinigay ng Philippine Coast Guard (PCG) sa kanilang commandant na si Admiral Leopoldo Laroya.
Ito ay bilang pagpupugay sa kaniyang mga naging accomplishment at kontribusyon sa serbisyo.
Si Laroya ay nakatakdang magretiro sa serbisyo sa darating na February 10 matapos ang halos 38 taon na public service. Siya ang ikalawang retiring skipper na nakatanggap ng tribute aboard sa BRP Batangas (SARV-5605)- una ay si CG Rear Admiral Jose William Isaga na nagretiro noong October 19, 2021 kung saan ang seremonya ay isinagawa sa BRP Corregidor (AE-891).
Nakuha ng Coast Guard Commandant ang pagiging “most coveted” COMMAND AT SEA BADGE matapos ang matagumpay na pag-command sa dalawang flagships ng Coast Guard search and rescue vessels (SARVs) gaya ng BRP Batangas (SARV-5605) at BRP Nueva Vizcaya (SARV-3502).
Nagsilbi rin siyang commander ng Maritime Safety Services Command, Coast Guard Education and Training Command, at Maritime Security and Law Enforcement Command; gayundin bilang district commander ng PCG sa Western Visayas, Northwestern Luzon, Southwestern Mindanao, at Bicol.
Lubos naman ang pasasalamat ni CG Admiral Laroya sa mga tauhan nito na nag-organisa ng event.
Ayon kay Laroya, kaniyang itinuturing na “best years of his life” noong siya ay sakay sa barko.
Si Coast Guard Fleet Commander, CG Rear Admiral Allan Victor Dela Vega ang nanguna sa seremonya kung saan binigyan ng pagkakataon si Laroya para mag-manuever sa barko mula sa Pier 13 patungong Manila Bay at pabalik.