LA UNION – Tiniyak ng pamunuan ng Coast Guard District Northwestern Luzon (CGDNWL) na nakahanda ang mga ito sa pananalasa ng bagyong Pepito sa Hilagang Luzon.
Kasabay ng pagsasagawa ng Dugong Bombo sa kampo ng CGDNWL sa lungsod ng San Fernando, La Union ay nagbigay na rin ng paalala si Commodore Genito Basilio sa mga beach goers at mangingisda na huwag munang lumusong sa dagat habang hindi pa nakakaalis ng bansa ang naturang bagyo.
Ayon kay Commodore Basilio, nakahanda na rin ang kanilang mga kagamitan at tauhan sa karagatan ng Hilagang Luzon at nakaantabay na ang mga ito sa magiging epekto ng bagyong Pepito.
Samantala, kahit na may paparating na bagyo ay tuloy pa rin ang blood letting project ng Bombo Radyo na Dugong Bombo sa kampo ng CGNWL.
Pinuri at nagpahayag ng suporta si Commodore Basilio sa Bombo Radyo at Philippine Red Cross dahil sa pagsasagawa ang Dugong Bombo na makakatulong sa mga nangangailangan ng dugo lalo na sa panahon na mayroong sakuna.