-- Advertisements --

oilspill1

Kinumpirma ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Admiral Artemio Abu na pormal na silang humingi ng tulong sa Amerika kaugnay sa paglilinis sa nangyaring oil spill sa karagatan ng Oriental Mindoro.

Sa isang panayam sinabi ni Abu, na sumulat na sila sa Amerika at ang kanilang hiling ay “generic” ang content.

Ibig sabihin kung ano ang kanilang maibibigay na tuloy ay malaking bagay lalo na ang response equipment.

“They have more experience and knowledge in this issue. It’s just a matter of making known to them that we are asking assistance from them,” pahayag ni Abu.

Aniya sa US pa lamang sila nagsulat para humingi ng tulong.

Una ng nagpahayag ng kahandaan na tumulong ang Japan at South Korea.

Una ng inihayag ni Abu na mayruon silang contingency plan para tugunan ang problema ngayon sa oil spill.

Gayunpaman sinabi ng Coast Guard Chief kailangan dito ang whole of government approach dahil hindi ito kakayanin ng coast guard.

Sa ngayon malaking hamon sa PCG ang pagkakaroon ng remote-operated vehicle para makita ang ilalim ng dagat na siyang mahalaga para ma contain ang oil spill.

Ayon kay Abu may ROV ang PCG subalit hindi nito kaya ang ganoong kalalim.

Siniguro naman ng Presidential Communications Office na makikipag tulungan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa US na bukas mag deploy ng mga sundalo para tumulong sa clean up drive sa nangyaring oil spill.

Sa ngayon ayon sa Coast Guard umabot na sa Caluya, Antique ang oil spill.