Tiniyak ng Philippine Coast Guard ang kahandaan sa pagtugon sa magiging epekto ng bagyong Carina na kasalukuyan nang nakaka-apekto sa malaking bahagi ng Northern Luzon.
Ayon sa PCG, naka-alerto na ang Coast Guard District North Western Luzon na may area sa Ilocos Region, kasama ang Coast Guard District North Eastern Luzon na may sakop naman sa Cagayan Valley at ilang bahagi ng Central Luzon.
Pagtitiyak ng PCG, nakahanda na ang mga kagamitang maaaring gamitin sa mga paglikas, search at rescue operation, clearing operation, at iiba pang maaaring kakailanganin sa pagtugon sa epekto ng bagyo.
Nakahanda rin aniya ang ahenisya sa anumang emergency situation.
Maalalang kasama ang Phil Coast Guard sa mga bumubuo sa security cluster na nagbabantay sa securidad ng ikatlong SONA ni PBBM.
Noong Hulyo-19, una na rin nitong idineploy ang K9 Force ng PCG para maagang tumulong sa security at safety prepations ng security forces.