-- Advertisements --
Itinaas na sa Alert Level 4 sa Iraq matapos ang tension na namumuo sa Iraq.
Sinabi ni Philippine Embassy to Iraq Chargé d’Affaires Jomar Sadie, na ibig sabihin nito ay ang pagkakaroon ng mandatory repatriation sa mga naninirahan sa lugar.
Nanawagan na rin ito sa mga Filipino na naninirahan sa lugar na makipag-ugnayan sa embassy at ganoon din sa kanilang mga employer.
Magugunitang sumiklab ang tension matapos na mapatay ng US si Iranian military general Qasem Soleimani habang ito ay nasa Baghdad airport.