Mahigpit na binabantayan ng Philippine Embassy sa Wellington, New Zealand ang kalagayan ng mga Filipino sa Tonga, Samoa at Fiji matapos ang pagsabog ng bulkan na matatagpuan sa ilalim ng tubig.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) na mayroong 87 mga Filipinos ang nasa Tonga, 300 sa Samoa at 400 Pinoy sa Fiji.
Pinalikas na ng mga otoirdad sa mataas na lugar ang mga residente doon matapos na itaas ang tsunami warning.
Labis na tinamaan ang Nuku’alofa ang capital ng Tonga dahil sa matinding pagsabog ng bulkan.
Sinabi ni New Zealand Prime Minister Jacinda Ardem na walang anumang naitalang nasawi o nasugatan sa insidente.
Magugunitang sumabog ang Hunga Tonga-Hunga Ha’apai volcano nitong Sabado na nagdulot ng tsunami sa Pacific coastlines mula Japan at US.