-- Advertisements --
Inihahanda na ng Embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv ang panibagong passport para kay Gelienor “Jimmy” Pacheco, ang Pinoy na unang binihag ng Hamas at kinalaunan ay pinkawalan.
Nasira kasi ang pasaporte ni Pacheco kasunod ng kanyang pagkakabihag, at kailangan na itong palitan ng embahada.
Kasama rin sa mga nasira at nawala sa pag-iingat ni Pacheco ang kanyang mga personal belongings na nasamang nasunog sa unang bugso ng pag-atake ng militanteng Hamas.
Oras na matapos na ang bagong pasaporte ni Pacheco, mas madali nang planuhin ang pagpapauwi sa kanya dito sa Pilipinas.
Maalalang una nang ipinangako ng pamahalaan na magpa-pasko sa Pilipinas si Pacheco, kasunod na rin ng kanyang paglaya, kasama ang 23 na ibang dayuhan noong Nobiembre 24.