-- Advertisements --

Pinayuhan ng Philippine Embassy sa Washington D.C. ang mga Filipino na maapektuhan ng hurricane Helene na maging maingat.

Ayon sa advisory na marapat na sumunod sa anumang kautusan ng mga gobyerno para maging ligtas sa bagyo.

Ibinabala pa ng National Hurricane Center na magdudulot ng malawakang pagbaha.

Magugunitang maraming mga residente sa Floridad ang inilikas dahil sa pananalasa ng hurricane Helene.